Korapsyon Essay

“Aalisin ko ang Korapsyon”

Isa yan sa madalas nating mapakinggan ngayong panahaon ng kampanya. Madami ang nagsasabi at nangangako na susugpuin nila ang korapsyon kapag sila ay nahalal sa puwesto. Too good to be true? tingnan natin ng mabuti.

Ang korupsyon ay nakaugat na sa sistema ng pulitika dito sa Pilipinas. Napakatagal na panahon na na kaakibat ng salitang “pulitika” ang “korapsyon.” Halos maging synonyomous na nga ang dalawa. At hindi kaila sa atin na kapag naririnig natin ang salitang “pulitika” at “gobyerno”, pumapasok at pumapasok pa rin ang salitang “korapsyon.”

Sabi noong propesor ko noong Kolehiyo, nag-ugat daw ito noong panahon ng mga Kastila at ito ay depekto ng kanilang pananakop sa atin. ISang sugat sa ating kultura at kaugalian na malalim ang pinagmulan. Kumbaga ay kasama ng dumadaloy sa ating sistema.

Marami na ang nagtangkang sugpuin ang korupsyon. Mayroon pa ngang PCGG (Presidential Comission on Good Governance). Marami na rin ang kilusan at mga NGO na nagsisilbing watchdog against corruption. Pero bakit buhay at andiyan pa rin sa sistema ang korapsyon?

Sa aking opinyon, ang korapsyon kasi ay wala sa macro level, ito ay nasa micro level. Ang korapsyon ay wala sa malaking sistema kundi matatagpuan sa indibidwal na tao. Ang bawat isa sa atin ay may “potency” o kakayahan para magkaroon ng korapsyon. Lahat tayo ay may pananagutan sa sugat sa sistema na ito.

Ang simpleng pagbibigay ng lagay para makalusot at mapabilis ang transaksyon, ang simpleng pagkuha ng office supplies, ang simpleng paglapastangan sa public property, ito ay maliit na form ng corruption. Puwede kang maniwala, puwedeng hindi.

Ano ang punto ko? Ang pagsugpo sa korapsyon ay hindi lamang nakasalalay sa iisang tao. Tayong lahat ay may kakayahan na sumugpo sa korapsyon. Kung lahat tayo ay magtutulungan, kung lahat ay magbabago sa indibidwal na lebel, kung lahat tayo ay magiging bantay laban sa korapsyon, mawawala at masusugpo natin ang korapsyon.

Pero may problema. Ang tao kasi ay may “kalayaan” (freedom o free will) at mayroon siyang pinapangalagaang personal at pansariling interes.

Kaya diyan papasok ang elemento ng sakripisyo at pagbibigay para sa mas ikabubuti ng marami. Iyan, sa aking opinyon, ang tunay na kahulugan ng demokrasya.

Sa pagpili natin ng kandidato ngayong darating na halalan, isa-alang-alang natin kung ang hakbang ba niya sa pagsugpo ng korapsyon ay sa macro o sa micro na lebel. Kung too good to be true o realistic.

Pilipinas, magtulungan tayo. Bumangon at gumising ka. May pag-asa pa! Padayon!

- Juan Republic, 16 Days Before the Elections

Hindi ko sinisiraan ang Yellow na kandidato. Nagkataon lamang na siya ang pinaka-vocal sa pagsugpo sa corruption. Ang punto ko lamang ay magbigay ng kamulatan sa kapwa ko Pilipino.

politicselections

 

Korapsyon

(Pananaliksik sa Filipino)

1

Korapsyon

1. Mga katanungan: 1.1 Ano ang kaban ng bayan? Para saan? 1.2 Bakit nagkakaroon ng korapsyon? 1.3 Ano ang epekto ng korapsyon? 1.4 Paano nananakaw ang kaban ng bayan? 1.5 Paano matatanggal ang korapsyon? II. Balangkas 2.1 Isa sa mga itinuturing na dahilan ng di pag-unlad ng bansang pilipinas ang Kakulangan sa pondo, na siyang nagiging mitsa ng di pagkamit sa pangangailangan ng bansa. 2.2 Ito ang kailangan ng bansa upang makamit ang pangangailangan na patuloy na Nadaragdagan sa paglipas ng panahon. Isa ito sa mga pangunahing kailangan Natin upang makamit ang inaasam na pag-unlad. 2.3 Korapsyon. Walang dudang isa itong malaking problema. Sa katunayan, sa realidad ng pulitika sa Pilipinas, isa itong napakalaking problema. Pero sa pagsasabing dahil sa korapsyon kaya tayo naghihirap, mabilis na nalalantad ang kakitiran ng pampulitikang pananaw. 2.4 Ayon mismo sa World bank, umaabot sa 40% kaagad ng pondo ng gobyerno  Ang napupunta sa bulsa ng mga tiwaling opisyal ng pamahalaan.

Comments

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *